Bukas ang pamahalaan sa posibilidad na bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo sakaling patuloy na tumaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., plano niyang kausapin ang liderato ng Senado at Kamara upang hilingin ang kapangyarihang magpatupad ng pansamantalang bawas-buwis kapag lumagpas sa $80 kada bariles ang Dubai crude.






















