Sinubukan ng Japan na pahupain ang tensyon sa pagitan ng Tokyo at Beijing matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.
Ayon kay Takaichi, ang posibleng pag-atake ng China sa Taiwan ay maaaring ituring na banta sa seguridad ng Japan, na pwedeng mag-trigger ng military response mula sa Tokyo.
Hindi ito nagustuhan ng China, kaya naglabas sila ng mga pahayag laban sa punong ministro at nag-limit sa pagpunta ng mga Chinese sa Japan.






















