Balik-normal na ang biyahe sa EDSA busway ngayong araw, bago pa man ang inaasahang dagsa ng mga estudyante at empleyado. Binuksan na muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inner lanes ng busway mula Roxas Boulevard hanggang Edsa-Orense, sa northbound at southbound lanes.






















