Nagpakita at nagparamdam ang 2 warship ng China habang nagsasagawa ng Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ang pwersa ng Pilipinas, Estados Unidos at Australia sa West Philippine Sea.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, bagama’t may “uninvited guests,” natapos ang isinagawang maritime exercise nang walang naitalang aberya.






















