Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang newly rehabilitated Sunog Apog pumping station sa Maynila bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na tag-ulan at posibleng pagbaha.
Kasunod nito, binisita rin ng Pangulo ang mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Binondo upang personal na alamin ang kanilang kalagayan at pangangailangan.






















