Dinagsa ngayong araw ang kauna-unahang campus job fair ng Department of Public Works and Highways sa Mapua University sa Intramuros, Manila.
Layunin ng job fair na hikayatin ang mga kabataan na maging bahagi ng pagbabago at tumulong sa pagpapanumbalik ng tiwala sa ahensya.






















