Ramdam na sa Boracay Island ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo at pamasahe, kasabay ng mababang bilang ng turista isang linggo bago ang long holiday.
Ayon sa ilang hotel operators, may mga kanseladong booking at patuloy na pagtaas ng singil sa watersports at iba pang serbisyo sa isla.






















