Dalawang magkahiwalay na insidente ang tinugunan ng UNTV News and Rescue, kabilang ang isang basketball player na isinugod sa ospital matapos magtamo ng pinsala sa gitna ng laro sa Paco Arena sa Maynila.
Samantala, isang senior citizen na stroke patient ang agad ding dinala sa ospital sa Cabanatuan City upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
























