Pinaiimbestigahan sa Kamara ang mga alegasyon ng nagbitiw na kongresistang si Zaldy Co laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez. Kabilang sa tinitingnang isyu ang umano’y kaugnayan ng dalawa sa P100-B halaga ng mga proyektong umano’y isiningit sa 2025 national budget.






















