
Dinagdagan ng Philippine National Police ang deployment sa ground para tiyakin ang seguridad ng protesta kaugnay ng People Power anniversary at Trillion Peso March ngayong araw.
Ayon kay PNP Directorate for Operations acting director PBGen. Rogelio Peñones, bagamat wala silang namo-monitor na direktang banta, mahigpit ang pagbabantay sa mga posibleng agitators na maaaring magsimula ng gulo sa pagtitipon.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/

Hindi rin dadalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa detention hearing ng International Criminal Court o ICC na nakatakda sa February 27.
Nagsumite ng waiver ang kaniyang defense team upang ipaalam sa ICC Pre-Trial Chamber 1 ang desisyon ng dating pangulo.

Personal na bumisita si Vice President Sara Duterte sa Iligan kahapon, February 24 upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng pagbaha sa lungsod.

-Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may napipisil nang pambato sa 2028 presidential elections
-Anti-Dynasty Bill hanggang 2nd degree of consanguinity, pinirmahan ng 12 senador
-VP Sara Duterte, nais makasama at makausap si FPRRD sa confirmation of charges hearing sa ICC ngunit di pinayagan