
Malaking porsyento ng household workers sa Hongkong ay mga Pilipino at marami sa ating mga kababayan ang patuloy na nagtatrabaho doon kahit pa may iniindang karamdaman.
Kaya malaking tulong para sa kanila ang libreng medical mission na isinagawa ng Members Church of God International o MCGI.

Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Makaugalinong newspaper na pang-apat sa kanilang documentary heritage collection.
Ang Makinaugalingon ay isang pre-World War 2 Hiligaynon newspaper na itinatag ni Rosendo Madrazo Mejica.

Pinatawag ni Canadian Artificial Intelligence Minister Evan Solomon ang senior staff ng OpenAI upang talakayin ang kanilang safety protocols matapos matuklasan ang kaugnayan ng ChatGPT sa insidente sa Tumbler Ridge Secondary School sa British Columbia, Canada.

Nahaharap sa pinakamatinding krisis si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei habang lumalaganap ang mga protesta sa bansa at patuloy ang paglaban ng mga mag-aaral sa pamahalaan simula ng malawakang protesta noong Enero.

Naglabas ang European Union ng panibagong sanctions laban sa walong indibidwal mula sa Russia.
Ito ay matapos silang masangkot sa umano’y malalang paglabag sa karapatang pantao at paglabag sa batas sa bansa.