
Sa pagpapatuloy ng confirmation of charges hearing sa International Criminal Court kaugnay ng crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, inisa-isa ng prosekusyon ang umano’y co-perpetrators at ang tinaguriang PRRD list o “kill list”.
Binigyang-diin din ng mga prosecutor ang paggamit ng terminong “neutralize” sa ilang opisyal na memorandum, na ayon sa kanila ay nagpapakita ng umano’y intensyon na patayin ang mga drug suspect.

Hindi kumbinsido ang ilang miyembro ng Filipino legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inilatag na argumento ng prosekusyon sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing laban sa dating pangulo.
Kinuwestiyon ni dating Labor Secretary Silvestre Bello III ang alegasyon ng crimes against humanity, lalo’t nakasentro umano sa Davao ang mga detalyeng iniharap ng prosekusyon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Navy sa mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines Corps na umano’y naging bagman at naghatid ng pera kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon sa Philippine Navy, batay sa kanilang validation, 4 sa 18 indibidwal ang nakumpirmang hindi kailanman naging miyembro ng Philippine Marines Corps.

Naghahanda na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa 2028 national o presidential elections.
Kabilang sa mga preparasyon ang pagbalangkas ng terms of reference para sa secured electronic transmission system na gagamitin sa halalan.

Nagtipon ang iba’t ibang grupo sa EDSA People Power Monument para sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution.
Kasabay ng pagsariwa sa mahalagang yugto ng kasaysayan ng bansa, naglatag din ang ilang sektor ng kani-kanilang panawagan, kabilang ang pagbuwag sa political dynasty at paglaban sa korapsyon.