
Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang pagpapalawak ng drainage system sa bahagi ng Gregorio Araneta Avenue sa Quezon City, isang proyektong inaasahang magpapababa ng pagbaha sa lugar lalo na tuwing malakas ang ulan.
Personal na ininspeksyon ni Secretary Vince Dizon kaninang umaga ang naturang flood mitigation project, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na palakasin ang flood control measures sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Mas magiging mabilis at mas ligtas ang pagkuha ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority o PSA sa ilalim ng bagong e-certificate system.
Sa pamamagitan ng e-certificate service, mas pinadali ang aplikasyon para sa civil registry documents.

Nanawagan ang mga kongresista ng pananagutan sa nangyaring trahedya sa sanitary landfill sa lalawigan ng Rizal, kasunod ng malawakang pagkasira at panganib na idinulot nito sa komunidad.
Naghain ang Makabayan lawmakers ng resolusyon upang masusing imbestigahan ang sakuna at matukoy ang mga responsable, bilang hakbang para maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Nagsampa ng reklamo ang isang civil society group laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngayong araw.
Dala ang mga dokumento, dumulog ang grupong “Wag Kang Kucorrupt” sa tanggapan ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, chairperson ng Senate Committee on Ethics and Privileges.

Nais ni Vice President Sara Duterte na makasama at makausap ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang isinasagawa ang confirmation of charges laban dito sa International Criminal Court, ngunit hindi ito pinayagan.
Samantala, pinayuhan din ng pangalawang pangulo sina Senators Ronald dela Rosa at Bong Go na maghanda matapos mabanggit ang kanilang mga pangalan bilang umano’y co-perpetrators sa naturang kaso.