
Sa pagpapatuloy ng umiinit na laban sa UNTV Volleyball League Season 4, 3 bagong koponan ang madadagdag sa liga ng public servants, na inaasahang magbibigay ng panibagong sigla at mas matinding kompetisyon sa torneo.

Isang sunog ang sumiklab sa Cape Town International Airport nitong Martes, February 24, na nagresulta sa paglikas ng mga pasahero at pansamantalang suspinde ng international departures.
Ayon sa pamunuan ng airport, naapula na ang apoy at walang naitalang nasugatan, ngunit naapektuhan ang ilang network at IT services ng paliparan.

Daan-daang indibidwal, kabilang ang ilang dayuhang turista, ang pansamantalang inilikas matapos ang matinding pagbaha sa ilang distrito ng Bali at sa kabisera nitong Denpasar, na dulot ng malakas na ulan na nagsimula pa noong Lunes ng gabi.

Muling pinag-usapan ngayong araw sa Senado ang insidente ng umano’y pagtalon ng isang estudyante mula sa platform ng LRT 1 Fernando Poe Jr. station nitong nakaraang linggo.
Kasunod nito, kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang kasalukuyang standard operating procedures ng Philippine National Police tuwing may ganitong mga emergency.

Nagsimula na ngayong umaga ang ASEAN Economic Meeting sa Iloilo City, kung saan tatalakayin ng mga delegado ang trade agreements ng ASEAN countries at ang economic security ng rehiyon.