Dinagdagan ng Philippine National Police ang deployment sa ground para tiyakin ang seguridad ng protesta kaugnay ng People Power anniversary at Trillion Peso March ngayong araw.
Ayon kay PNP Directorate for Operations acting director PBGen. Rogelio Peñones, bagamat wala silang namo-monitor na direktang banta, mahigpit ang pagbabantay sa mga posibleng agitators na maaaring magsimula ng gulo sa pagtitipon.






















