Back

UNTV News and Rescue

00:51
Politics

Pagtaas ng presyo ng langis sa mundo, inaasahan kasunod ng pagsasara ng IRGC sa Strait of Hormuz

March 2, 2026 11:23 AM
PST

Isinara ng Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC ang Strait of Hormuz sa gitna ng tumitinding tensyon matapos ang opensiba ng US at Israel laban sa Iran.

Sa Strait of Hormuz dumadaan ang humigit-kumulang 20% ng suplay ng langis at liquefied natural gas sa buong mundo.

Kaya naman nangangamba ang mga eksperto sa magiging epekto ng naturang pagsasara sa presyo ng langis sa mundo.

1:17
Politics

Walang mass o mandatory repatriation sa mga OFW sa Middle East – DMW

March 2, 2026 11:23 AM
PST

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang pangangailangan para sa mass o mandatory repatriation sa mga overseas Filipino workers sa Middle East sa kabila ng tumitinding tensyon sa rehiyon.  

Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, patuloy na nirerepaso ng Department of Foreign Affairs ang mga alert level, at hindi pa umaabot sa puntong kailangan ang malawakang pagpapauwi ng mga OFW.

1:26
Politics

AFP at DND, handa sa repatriation ng mga Pilipino sa Middle East kung lumala ang kaguluhan

March 2, 2026 11:23 AM
PST

Pinaghahandaan na ng Armed Forces of the Philippines at ng Department of National Defense ang posibleng repatriation ng mga Pilipino sa Middle East sakaling lumala ang sitwasyon doon.

00:56
Politics

Pagsasara ng Iraqi airspace, pinalawig pa hanggang bukas ng 12nn

March 2, 2026 11:23 AM
PST

Pinalawig pa ng Iraqi Civil Aviation Authority ang pagsasara ng Iraqi airspace para sa lahat ng arriving, departing, at overflying aircraft sa loob ng susunod na 24 oras.

Mananatiling sarado ang Iraqi airspace hanggang bukas ng alas dose ng tanghali. Gayunpaman, maaari pa rin itong magkaroon ng adjustment depende sa sitwasyon.

00:46
Politics

Stranded OFWs sa Hong Kong International Airport, inasikaso ng Migrant Workers Office

May 31, 2026 12:33 AM
PST

Tinulungan ng Migrant Workers Office ang nasa 80 overseas Filipino workers na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos na makansela ang mga flight dahil sa kaguluhan sa Middle East.  

Binigyan ang mga ito ng pagkain at iba pang basic needs pati ang kinakailangang referral.