Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala pang pangangailangan para sa mass o mandatory repatriation sa mga overseas Filipino workers sa Middle East sa kabila ng tumitinding tensyon sa rehiyon.
Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, patuloy na nirerepaso ng Department of Foreign Affairs ang mga alert level, at hindi pa umaabot sa puntong kailangan ang malawakang pagpapauwi ng mga OFW.






















