
Tinulungan ng Migrant Workers Office ang nasa 80 overseas Filipino workers na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos na makansela ang mga flight dahil sa kaguluhan sa Middle East.
Binigyan ang mga ito ng pagkain at iba pang basic needs pati ang kinakailangang referral.

Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino sa Gitnang Silangan na gawin ang ibayong pag-iingat at maging alerto sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
Payo ng bise presidente sa mga kababayan natin doon, iwasan ang mga malalaking pagtitipon at lugar kung saan nagaganap ang operasyon ng militar.

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkasawi ng isang overseas Filipino worker sa Israel sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa rehiyon.
Taos-pusong nakikiramay ang Pangulo sa pamilya ni Mary Ann Velasquez De Vera, isang caregiver sa Israel na namatay habang sinusubukang iligtas ang kaniyang alaga sa kasagsagan ng tensyon doon.

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs o DFA na magpatupad ng contingency plan para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan.
Ito ay sa gitna ng ginawang pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran.

Balikan natin ang mga pangunahing balita sa nakalipas na linggo, dito sa Ito ang Balita: Weekend Refresh.