
- Confirmation of charges hearing sa kaso ni FPRRD, natapos na
- Bank record ni VP Sara Duterte at Madriaga Affidavit, bagong ebidensya sa impeachment vs. VP Sara
- PCG Spokesperson for the WPS Jay Tarriela, na-promote sa ranggong Rear Admiral

Pumanaw na sa edad na 86 ang American singer-songwriter at pianist na si Neil Sedaka. Si Neil Sedaka ang nasa likod ng hit songs gaya ng "Breaking Up Is Hard to Do," "Oh Carol," "Calendar Girl," at "Love Will Keep Us Alive."

Batay sa datos ng Department of Social Services and Development o DSSD, umabot na sa 204 families o 849 na indibidwal ang naapektuhan ng sunog sa Purok Katilingban 1 at 2, Barangay 39, Bacolod City.
Walumpung bahay ang tuluyang nasira habang 9 ang partially damaged.

Naglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 147 ng asset preservation order sa mga ari-arian ni KOJC founder Apollo Quiboloy habang nagpapatuloy ang mga legal na proseso kaugnay ng mga kaso laban sa kanya.
Saklaw ng kautusan ang 12 bank accounts, 37 real properties, at dalawampu’t limang sasakyan, kabilang ang dalawang fire truck, fuel tanker, at isang Cessna aircraft na nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy at ng KOJC executive pastor.

Papayagan na ng South Korea ang pag-export ng high-precision map data sa overseas servers na magbibigay-daan para tuluyang gumana nang maayos ang Google Maps sa bansa matapos ang halos dalawang dekadang paghihigpit.