
Naglabas ng anunsyo ang Department of Migrant Workers na magpapatupad ito ng deployment ban para sa newly hired workers na pupunta sa mga bansang nasa ilalim ng alert level 2.
Ayon sa ahensya, ito ay bahagi ng restriksyon kaugnay sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Nasa 54 na Pilipino sa Israel ang nagpahayag na ng kagustuhang makauwi sa Pilipinas sa gitna ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Sa panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola na 32 sa mga ito ay turista, habang 22 naman ang overseas Filipino workers.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang ilang Pilipino na nagbabalak makakuha ng trabaho sa Middle East sa kabila ng nararanasang tensyon sa rehiyon.
Sa ngayon, hindi muna inirerekomenda ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na ituloy ang recruitment ng mga manggagawa papunta sa Gitnang Silangan.

Hindi nakikita ng Philippine National Police na aabot sa Pilipinas ang nangyayaring sigalot sa Middle East.
Gayunman, itinaas na ng pambansang pulisya ang kanilang alert level upang maging handa sa anumang posibleng epekto sa bansa ng kaguluhan sa rehiyon.

Matinding tensyon ang dulot sa ilang overseas Filipino workers sa Middle East ng palitan ng missile at interceptors ng United States, Israel, at Iran.
Ayon sa isang OFW sa rehiyon, personal nilang nasasaksihan ang pagliwanag ng kalangitan kasunod ang malalakas na pagsabog.