
Isinantabi ng House Justice Committee ang unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte na ini-endorso ng Makabayan lawmakers.
Samantala, natukoy namang sufficient in form ang ikatlo at ikaapat na reklamong impeachment laban sa bise presidente.

Posible pang tumaas ng P3 ang presyo ng kada litro ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy.
Ayon sa bureau, maaaring mangyari ito kung magpapatuloy ang gulo sa Middle East

Tiniyak ng Malacañang na may nakahandang tulong ang pamahalaan sakaling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa gulo sa Gitnang Silangan, kabilang ang P2.5‑bilyong fuel subsidy para sa mga sektor na posibleng lubhang maapektuhan ng pagtaas ng presyo.
Tiniyak naman ng National Security Council na walang banta ng pag‑atake ang Iran sa Pilipinas sa kasalukuyang sitwasyon.

Naghahanda na ang ilang senador sa posibleng pag-akyat sa Senado ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Ayon sa ilang mambabatas, tiyak na matutuloy ang impeachment proceedings kahit nag-anunsyo na ang Bisa Presidente ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.

Malayo pang matapos ang opensiba ng Estados Unidos at Israel sa Iran.
Ito ang ipinahayag nina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ayon sa dalawa, sinisimulan na ngayon ang pagpasok ng kanilang opensiba sa Tehran, kabisera ng halos apat na dekadang rehimen ng Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Khamenei.