
Idinetalye ng ilang Pilipino ang kanilang sitwasyon sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa Middle East.
Bagaman mataas ang antas ng panganib, nananatili silang kalmado at handa sakaling lumala ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Nasa 9,000 pasahero na ang apektado ng kanseladong flights sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.
Kasunod ito ng pagsasara ng airspace sa Gitnang Silangan bunsod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Inamin ni Ombudsman Crispin Remulla na nakipagpulong siya kina dating Senador Antonio Trillanes the Fourth, dating Philippine National Police Chief Nicolas Torre III, at dalawang imbestigador ng International Criminal Court.
Sa isang panayam kanina, sinabi ni Ombudsman Remulla na ginanap ang pagpupulong mismo sa kanyang bahay sa Makati noong nakaraang taon.

Nakatakda na sa araw ng Miyerkules, March 4, ang pagsasagawa ng inisyal na pagsusuri ng mga ethics complaint laban sa ilang senador.
Kaugnay nito, inaasahang matatalakay dito ang reklamo laban kay Senator Ronald dela Rosa na matagal nang hindi nakikita sa Senado.

Dismayado ang complainants at mga endorser ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa ginawang pag-set aside o pagsasa-isantabi sa kanilang inihain na reklamo.
Sa kabila nito, mananatili silang aktibo sa pakikilahok sa deliberasyon ng iba pang reklamong impeachment.