Nasa 54 na Pilipino sa Israel ang nagpahayag na ng kagustuhang makauwi sa Pilipinas sa gitna ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Sa panayam, sinabi ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola na 32 sa mga ito ay turista, habang 22 naman ang overseas Filipino workers.






















