Back

UNTV News and Rescue

1:38
Politics

PH Navy, nilinaw na hindi base militar ng US ang mga EDCA site sa Pilipinas

March 3, 2026 9:22 AM
PST

Sa gitna ng pangamba na baka targetin ang EDCA sites dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, nilinaw ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ng Philippine Navy na hindi mga base militar ng Amerika ang mga ito.  

Ayon sa kanya, ang mga lugar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ay nananatiling bahagi ng mga kampo at pasilidad ng Armed Forces of the Philippines at nasa ilalim ng buong pagmamay-ari at kontrol ng Pilipinas.

1:33
Politics

Pamahalaan, may sapat na pondo para sa mga OFW na apektado ng gulo sa Middle East

March 3, 2026 9:22 AM
PST

Tiniyak ng Department of Migrant Workers na hindi dapat mangamba ang mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga OFW na nasa Gitnang Silangan, dahil may sapat at nakahandang pondo ang ahensya para tugunan ang kanilang pangangailangan.

1:18
Politics

DMW, handa sa mass repatriation ng mga OFW sa gitna ng tensyon

March 3, 2026 9:22 AM
PST

Tinatayang nasa 80-100 Pilipinong manggagawa mula sa Dubai ang pormal nang humiling ng repatriation sa Department of Migrant Workers, habang may ilan ding request mula sa Bahrain, Israel, at Qatar.  

Aminado ang ahensya na may hamon sa transportasyon dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang airspace sa rehiyon.

3:11
Politics

Mayor Isko Moreno, ipinag-utos sa Manila LGU ang pagtitipid ng langis

March 3, 2026 9:21 AM
PST

Sa gitna ng pangamba sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East, naglabas ng kautusan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso upang bawasan ng halos kalahati ang konsumo ng fuel ng lokal na pamahalaan.

0:57
Politics

Mahigit pisong dagdag sa kada litro ng mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

March 3, 2026 9:20 AM
PST

Bad news sa mga motorista.

Simula ngayong araw ay magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa.