Sa gitna ng pangamba na baka targetin ang EDCA sites dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, nilinaw ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ng Philippine Navy na hindi mga base militar ng Amerika ang mga ito.
Ayon sa kanya, ang mga lugar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ay nananatiling bahagi ng mga kampo at pasilidad ng Armed Forces of the Philippines at nasa ilalim ng buong pagmamay-ari at kontrol ng Pilipinas.






















