
Inaasikaso na ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang plano para sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa DOTr, nakikipag-ugnayan na sila sa LTFRB para sa mga dokumentong kinakailangan sa fuel subsidy.

Bukod sa transport sector, tutulungan din ng pamahalaan ang mga magsasaka at mangingisda na maaaring maapektuhan ng posibleng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.

- Ikatlo at ikaapat na reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, tinukoy na sufficient in form ng House Justice panel
- Deployment ban sa newly hired workers, ipatutupad sa mga lugar sa Middle East na nasa alert level 2 ayon sa Department of Migrant Workers
- Trump at Netanyahu, sinabing magpapatuloy ang mas matindi pang opensiba sa Iran

Ang mga senior citizen ay itinuturing na espesyal na sektor sa ating lipunan.
Kaya naman, isang araw ang inilalaan ng Members Church of God International o MCGI para sa kanila upang sila ay malingap, mapasaya, at matingnan ang kanilang kalagayang pangkalusugan sa Seniors' Day na ginanap kahapon.

Magkakaroon ng libreng telescope viewing ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration bukas, March 3.
Kasabay ito ng inaasahang total lunar eclipse o tinatawag na blood moon, kung saan direktang matatakpan ng mundo ang buwan.