Inaasikaso na ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang plano para sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa DOTr, nakikipag-ugnayan na sila sa LTFRB para sa mga dokumentong kinakailangan sa fuel subsidy.






















