
Tatlong U.S. F‑15 fighter jets ang aksidenteng napabagsak ng air defenses ng Kuwait sa gitna ng aktibong labanan laban sa Iran, ayon sa U.S. Central Command (CENTCOM).

Pansamantalang sinuspinde ng bansang Qatar ang produksyon ng liquefied natural gas matapos na puntiryahin ng Iranian strikes ang Gulf energy facilities.
Ito ay sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng US, Israel at Iran.

Muli nang nagbukas ng operasyon ang Dubai Airport, tatlong araw matapos ang kanselasyon ng mga flight sa gitna ng nangyayaring gulo sa Middle East.
Gayunman, limitado lamang ang papayagang flights sa ngayon.

Inilagay na sa heightened alert ang Philippine National Police kasunod ng umiiral na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel at Iran.
Ayon sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., bagamat wala silang nakikitang direktang banta sa Pilipinas, naghahanda ang Pambansang Pulisya para sa mga posibleng epekto nito sa seguridad ng bansa dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

Malayo umanong maging target o madamay ang Pilipinas sa umiiral na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel at Iran.
Ayon kay Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa usapin ng West Philippine Sea, ang nangyayari sa Middle East ay isang regional conflict na nakasentro lamang sa nasabing rehiyon.