Back

UNTV News and Rescue

3:50
Politics

Mga proyekto kontra baha, pinamamadali na ni Sec. Dizon bago sumapit ang tag-ulan

March 4, 2026 9:33 PM
PST

Pinamamadali na ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang mga proyekto kontra baha bago pa ang tag-ulan.

Ayon sa kalihim, plano nilang gumamit ng malalaking drainage pipes sa mga bahaing lugar sa Metro Manila.

2:30
Politics

Trade deals ng U.S. sa Spain, ipinatitigil ni Pres. Donald Trump

March 4, 2026 9:31 PM
PST

Nagdesisyon si U.S. President Donald Trump na putulin ang ugnayang pangkalakalan sa bansang Spain.

Ito ay matapos tumanggi ang Spain government na ipagamit ang military bases nito upang makaposisyon ang opensiba ng Amerika.

0:53
Crime & Investigation

Pagsasalita ng taliwas sa opisyal na pahayag ng Dubai authorities, may criminal penalties

March 4, 2026 9:29 PM
PST

Nagbabala ang Dubai Police sa mga mahuhuling nagpapakalat ng maling impormasyon o anumang pahayag na taliwas sa opisyal na anunsyo kaugnay ng tensyon sa Gulf region.

Ayon sa ahensya, anumang maling pahayag na nagdudulot ng panic o magsasapanganib sa kaligtasan at kalusugan ng publiko ay lubhang ipinagbabawal.

8:21
Crime & Investigation

2 impeachment complaints laban kay VP Duterte, 'sufficient in substance' – House Justice panel

March 4, 2026 9:23 PM
PST

Lusot na sa House Justice Committee ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos matukoy na sufficient in substance o may sapat na batayan ang mga reklamo at pasok sa impeachable offense na nakasaad sa Konstitusyon.

Bunsod nito, bibigyan ng kopya ng resolusyon at mga reklamo ang Bise Presidente na kailangan nitong sagutin sa loob ng 10 araw.

3:00
Crime & Investigation

VP Sara Duterte, naghain ng reklamong perjury laban kay Ramil Madriaga

March 4, 2026 9:21 PM
PST

Pormal nang sinampahan ng reklamong perjury ni Vice President Sara Duterte ang nagpapakilalang kaniya umanong bagman na si Ramil Madriaga.

Iginiit ng kampo ni VP Sara na dapat mapanagot si Madriaga sa mga kasinungalingan nito para hindi na magamit na basehan laban sa kanya.