Lusot na sa House Justice Committee ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito’y matapos matukoy na sufficient in substance o may sapat na batayan ang mga reklamo at pasok sa impeachable offense na nakasaad sa Konstitusyon.
Bunsod nito, bibigyan ng kopya ng resolusyon at mga reklamo ang Bise Presidente na kailangan nitong sagutin sa loob ng 10 araw.






















