
Tukoy na ng Philippine National Police ang mga nasa likod ng nangyaring hazing sa isang studyante sa Cavite noong March 1.
Ayon kay Cavite Provincial Police Director Police Colonel Ariel Red, 21 ang sangkot sa nasabing hazing, at 9 sa mga ito ang may direktang partisipasyon sa pambubugbog.

Inihahanda na ng Department of Agriculture ang ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda na direktang maaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa ahensya, may nakalaan nang P100-M pondo para sa fuel subsidy na maaaring ipamahagi upang mabawasan ang dagdag-gastos sa produksyon at pangingisda.

Kailangang maipasa agad ang hinihinging special powers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapababa ang excise tax sa langis, ayon sa Malacañang.
Ito ay sa gitna ng nagbabadyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng tumitinding tensyon sa Gulf region.

Natapos na kanina ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang pag-aayos ng mga panuntunan o rules ng komite.
Kaugnay nito, inaasahang sisimulan na ang pormal na pagdinig sa mga reklamong inihain laban sa ilang senador matapos na mailathala ang mga bagong patakaran.

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagal nang ipinapanukala ng ilang mambabatas na 4-day work week.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, maaari naman itong pag-aralan ng pangulo.