
Tuwing Enero, ramdam natin ang pagnanais na magbago. Ayon sa psychology, may tinatawag na fresh start effect kung saan mas madali sa utak natin ang mag-reset.

Maagang babalik sa Earth ang 4 na miyembro ng International Space Station matapos makaranas ng hindi tinukoy na problemang medikal ang isang astronaut, ayon sa NASA.

Nagkakasakit na ang ilan sa mga inilikas na residente ng Albay na mula sa 6-kilometer permanent danger zone.
Bunsod nito, naka-Code White alert status ngayon ang Department of Health Bicol upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga apektadong indibidwal.

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Land Transportation Office (LTO) ang agarang pagsususpinde sa pagkumpiska ng driver’s license ng mga motoristang nahuhuli sa traffic violations.
Ayon sa DOTr, bahagi ito ng hakbang para ayusin ang mga proseso sa panghuhuli at paghawak ng lisensya ng mga lumalabag sa batas-trapiko.

Hindi pipilitin o hihikayatin ni Senate President Vicente Sotto III si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na pumasok sa Senado.
Ayon kay SP Sotto, gumagana naman ang mga tanggapan sa Senado at may quorum naman sila.