Back

UNTV News and Rescue

3:05
Health & Lifestyle

ALAMIN: Paglalakad pagkatapos kumain, may benepisyo sa kalusugan

March 4, 2026 9:46 PM
PST

Kahit ilang minutong paglalakad pagkatapos kumain, maaari nang magdulot ng malaking epekto sa katawan at utak.

Alamin kung paano.

1:59
Politics

France, magpaparami ng nuclear weapons sa planong ‘advanced deterrence’ strategy

March 5, 2026 12:53 PM
PST

Palalakasin pa ng bansang France ang nuclear program nito, ayon kay President Emmanuel Macron.

Aniya, plano ng French government na gawing 300 o higit pa ang nuclear warheads nito upang walang kaaway ang magtangkang sila ay atakihin.

3:15
Politics

DMW, tinitingnan ang lahat ng option para sa ligtas na repatriation ng OFWs sa Gitnang Silangan

March 4, 2026 9:41 PM
PST

Tinitingnan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang iba't ibang option para sa overseas Filipino workers na nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding kaguluhan sa Middle East.

Panawagan naman ng DMW sa ating mga kababayan na nasa lugar ng kaguluhan, patuloy na sumunod sa patakaran ng ibang bansa para matiyak ang kanilang kaligtasan.

2:51
Crime & Investigation

NBI, inatasan ng Ombudsman para imbestigahan ang 18 ex-marines

March 4, 2026 9:38 PM
PST

Inatasan na ng Office of the Ombudsman ang National Bureau of Investigation para pangasiwaan ang gagawing imbestigasyon laban sa 18 nagpapakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.

Ang mga ito ang naglantad ng umano’y kanilang nalalaman sa anila ay nangyayaring korapsyon sa bansa.

Ayon sa NBI, mula sa 18 ay may ilan na silang natukoy na hindi totoong miyembro ng Marines, habang ang ilan naman ay may kinakaharap na criminal case.

0:52
Politics

Trump, magde-deploy ng US Navy para i-escort ang oil tankers sa Strait of Hormuz

March 4, 2026 9:36 PM
PST

Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagbibigay ng insurance sa lahat ng barko at oil tankers na dadaan sa Strait of Hormuz.

Bukod dito, inatasan din ni Trump ang US Navy na mag-deploy ng tropa bilang escort ng oil tankers na dadaan sa nasabing shipping lane.