Back

UNTV News and Rescue

3:02
Politics

Iranian President, humingi ng tawad sa Gulf countries na nadadamay sa digmaan

March 9, 2026 9:10 AM
PST

Humingi ng paumanhin si Iranian President Masoud Pezeshkian sa mga karatig‑bansa ng Iran matapos ang mga pag-atakeng isinagawa nitong mga nakaraang araw sa gitna ng lumalalang digmaan sa Middle East.  

Gayunman, sa kabila ng paghingi ng tawad, tuloy-tuloy pa rin ang mga pag-atake at mga pagsabog na naitala sa iba’t ibang bahagi ng Gulf region nitong nagdaang weekend.

1:30
Politics

Iran, handa sa 6 na buwang matinding digmaan; bagong Supreme Leader, napili na

March 9, 2026 9:09 AM
PST

Tiniyak ng Islamic Revolutionary Guard Corps na kayang ipagpatuloy ng Iran ang isang matinding digmaan laban sa Estados Unidos at Israel nang hanggang anim na buwan.  

Samantala, kinumpirma ng Assembly of Experts ng Iran na nakapili na sila ng bagong Supreme Leader na papalit sa napatay na si Ali Khamenei, ngunit hindi pa ito pinapangalanan.

1:33
Politics

PBBM, dumating na sa New York para sa special session ng United Nations General Assembly

March 9, 2026 9:09 AM
PST

Dumating na sa New York, USA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para dumalo sa mga mahahalagang pagpupulong sa United Nations.  

Ligtas na lumapag ang presidential plane na sinasakyan ni PBBM sa Newark Liberty International Airport, 2:49 PM local time doon.  

Sa kanyang dalawang araw na pagbisita, nakatakdang magsalita ang Pangulo sa Special Session ng United Nations General Assembly o UNGA.

0:42
Politics

ES Recto, Sec. Angara at Sec. Estrella III, itinalagang ‘caretakers’ ng bansa

March 9, 2026 9:09 AM
PST

Nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa New York, USA para dumalo sa gaganaping United Nations meeting.  

Samantala, itinalaga naman ni PBBM bilang caretakers ng bansa sina Executive Secretary Ralph Recto, Education Secretary Sonny Angara, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III habang nasa ibang bansa ang Presidente.

0:55
Politics

Dumaraming Chinese vessels sa WPS, walang kaugnayan sa tension sa Middle East — PH Navy

March 9, 2026 9:08 AM
PST

Nilinaw ng Philippine Navy na walang kaugnayan ang dumaraming bilang ng vessel sa may West PhilippineChinese Sea sa gulo na nangyayari ngayon sa Middle East.  

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang tagapagsalita ng Philippine Navy for the West Philippine Sea, bagamat dumarami ang mga barko ng China sa loob ng teritoryo ng bansa, walang silang nakikitang direktang kaugnayan nito sa gulo sa Gitnang Silangan.