Dumating na sa New York, USA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para dumalo sa mga mahahalagang pagpupulong sa United Nations.
Ligtas na lumapag ang presidential plane na sinasakyan ni PBBM sa Newark Liberty International Airport, 2:49 PM local time doon.
Sa kanyang dalawang araw na pagbisita, nakatakdang magsalita ang Pangulo sa Special Session ng United Nations General Assembly o UNGA.






















