Back

UNTV News and Rescue

1:22
Politics

90 OFW mula sa UAE, ligtas nang nakauwi sa Pilipinas

March 9, 2026 9:08 AM
PST

Ligtas nang nakauwi sa bansa ang 90 overseas Filipino workers mula sa United Arab Emirates sakay ng Emirates Airline EK 334 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong March 8.  

Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration Administrator Patricia Yvonne Caunan ang pagsalubong sa mga dumating nating kababayan na naipit ng gulo sa Middle East.

0:52
Politics

Tulong ng PH Gov’t sa mga Pinoy na apektado ng krisis sa Middle East, nais malaman ng Kamara

March 9, 2026 9:07 AM
PST

Magsasagawa ng joint briefing ang House Committee on Foreign Affairs at Overseas Workers Affairs para matukoy ang sitwasyon at kahandaan ng pamahalaan sa pagtulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng gulo sa Middle East.  

Nakatakda ito sa araw ng Miyerkules, March 11.

2:13
Politics

Mga gasolinahang maagang nagtaas ng presyo ng langis, isumbong sa awtoridad ayon kay Sen. Lacson

March 9, 2026 9:06 AM
PST

Hinihimok ni Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" Lacson ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga gasolinahang maagang nagtataas ng presyo ng langis.  

Ito ay kasunod ng mga ulat na may ilang establisimyento na ang nagpapatupad ng oil price hike bago pa ang nakatakdang schedule ng adjustment.

1:31
Politics

Tulong ng DILG at PNP sa pagpapatupad ng regulasyon sa oil price at supply, hiniling ng DOE

March 9, 2026 9:06 AM
PST

Pormal nang humingi ng tulong ang Department of Energy sa Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police upang mabantayan ang mga gasoline station sa bansa.

Ito’y upang masiguro na nakasusunod ang mga ito sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan at maiwasan ang anumang pang-aabuso sa mga consumer.

2:13
Politics

Oil price range, itinakda ng Department of Energy

March 9, 2026 9:06 AM
PST

Nagtakda ng price range ang Department of Energy para sa mga produktong petrolyo.  

Epektibo ito simula noong Biyernes, March 6 at tatagal hanggang March 9, habang inaantabayan ang ilalabas na final price adjustment sa presyo ng langis para sa linggong ito.