Ligtas nang nakauwi sa bansa ang 90 overseas Filipino workers mula sa United Arab Emirates sakay ng Emirates Airline EK 334 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong March 8.
Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration Administrator Patricia Yvonne Caunan ang pagsalubong sa mga dumating nating kababayan na naipit ng gulo sa Middle East.






















