Lalong lumala ang tensyon sa pagitan ng estado ng Minnesota at ng Federal government matapos barilin ng isang ICE agent ang isang babae na ikinasawi nito.
Ipinagtanggol ng administrasyon ni US President Donald Trump ang nasabing ahente, habang mariing kinondena naman ng mga lokal na opisyal ng estado ang insidente na nagbunsod ng malawakang protesta.






















