Lumagda sa isang executive order si U.S. President Donald Trump na layong pababain ang mataas na presyo ng diesel sa Amerika.
Sa ilalim ng kautusan, pansamantalang palalawakin ang paggamit ng red-dyed diesel, na karaniwang nakalaan sa off-road vehicles at machinery, para magamit din sa mga highway.






















