Back

UNTV News and Rescue

1:14
Politics

Pagsama kay Julie Defensor sa subpoena ng NBI, pananakot at panggigipit — Ex-Cong. Defensor

March 9, 2026 9:20 AM
PST

Tinawag na pananakot at panggigipit ni dating kongresista na si Mike Defensor ang pagdawit sa kaniyang asawa sa subpoena na inilabas ng National Bureau of Investigation.  

Samantala, giit pa ng dating kongresista na nararapat na mas tutukan ang imbestigasyon sa inilabas na alegasyon ng mga dating sundalo.

1:10
Politics

Sandiganbayan, pinagtibay ang desisyong hindi ibasura ang graft case ni Revilla

March 9, 2026 9:11 AM
PST

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration na inihaín ng kampo ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at kapwa akusadong si Juanito Mendoza.  

Kaugnay ito ng kasong graft laban sa kanila at lima pang opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office hinggil sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng ₱92.8 milyon.

4:25
Politics

Isyu kay Mary Grace Piattos, masasagot sa impeachment trial ayon kay VP Sara Duterte

March 9, 2026 9:11 AM
PST

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na masasagot sa impeachment trial ang isyu ni Mary Grace Piattos, isa sa mga sinasabing fictitious o kathang-isip na pangalang ginamit sa acknowledgement receipts ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

2:10
Politics

Russia, naglunsad ng sunod‑sunod na drone at missile attacks vs. Ukraine

March 9, 2026 9:10 AM
PST

Naglunsad ng sunod-sunod na drone at missile attacks ang Russia laban sa Ukraine noong March 7.  

Nagdulot ito ng lubhang pinsala sa isang residential building sa Kharkiv.  

Ayon sa Ukrainian authorities, mahigit 10 indibidwal ang nasawi sa nasabing pag-atake.

1:09
Politics

Trump, binatikos ang UK dahil sa huling suporta sa gulo sa Iran

March 9, 2026 9:10 AM
PST

Pinuna ni US President Donald Trump ang United Kingdom at ang lider nito na si Prime Minister Keir Starmer matapos umanong magdalawang isip sa pagpapadala ng aircraft carriers sa Middle East sa gitna ng operasyon ng US at Israel laban sa Iran.