Tinanggihan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration na inihaín ng kampo ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at kapwa akusadong si Juanito Mendoza.
Kaugnay ito ng kasong graft laban sa kanila at lima pang opisyal ng Bulacan 1st District Engineering Office hinggil sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng ₱92.8 milyon.






















