Nagpahiwatig na umano ng kagustuhang sumuko si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co matapos ang ilang buwang pagtatago sa ibang bansa.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang impormasyong ito ay nagmula sa ilang malalapit na kaibigan ng dating mambabatas.





















