Dismayadong umuwi ang ilang tricycle drivers sa Bulacan matapos mabigong makatanggap ng cash relief assistance mula sa Department of Social Welfare and Development.
Gayunman, tiniyak ng DSWD Central Luzon na magsasagawa ng special payout para sa mga hindi nakakuha ng ayuda dahil sa naging problema sa distribusyon.






















