Aabot umano sa ₱3.713 bilyon ang pondong inilaan ng gobyerno na posibleng nasayang sa flood control at multipurpose projects sa mga reclamation area sa Taguig City, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.
Sa kaniyang X post, sinabi ni Senator Lacson na ang mga proyekto ng DPWH ay matatagpuan sa tinawag niyang “illegal” reclamation areas sa kahabaan ng Laguna de Bay.





















