
- Panukalang special power para kay PBBM, pasado na sa 2nd reading ng HOR
- Defense team ni VP Sara Duterte sa reklamong impeachment, ipinakilala na
- Iran, may babala laban sa patuloy na pag-atake ng US at Israel

Inianunsyo na kahapon ng pamahalaan ang gagawing pamamahagi ng fuel subsidy sa susunod na linggo, na naglalayong matulungan na ang mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na pinakaapektado ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.

Nais ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Sen. Panfilo Ping Lacson na maiakyat na sa plenaryo ang partial report ng komite.
Layon nitong masimulan na ang pagtalakay sa naturang ulat upang makapagpasya kung kakailanganin pa ng mga susunod na pagdinig hinggil sa mga anomalya sa flood control projects.

Ipinakilala na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng defense team nito para sa kinakaharap na mga reklamong impeachment sa Kamara.
Pero iginiit ng isang kongresista ang potensyal na conflict of interest sa dalawa sa mga abogado ng bise presidente.

Ipinatatawag ng National Bureau of Investigation ang labingwalong nagpakilalang dating miyembro ng Marines at ilang personalidad kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng ahensya sa mga paratang ng mga ito na katiwalian sa pamahalaan.
Kabilang sa pinasasagot sa subpoena sina Atty. Levi Baligod at mag-asawang Julie at Mike Defensor.