Nais ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Sen. Panfilo Ping Lacson na maiakyat na sa plenaryo ang partial report ng komite.
Layon nitong masimulan na ang pagtalakay sa naturang ulat upang makapagpasya kung kakailanganin pa ng mga susunod na pagdinig hinggil sa mga anomalya sa flood control projects.






















