
Nagpadala ng air defense team ang Ukraine sa tatlong bansa sa Middle East para tulungan ang mga ito laban sa mga aerial attack ng Iran.
Kabilang ang mga bansang Qatar, Saudi arabia at United Arab Emirates sa mga bansa mula sa gulf states na makikinabang sa gagawing drone training ng Ukraine.

Tiniyak ng anak ni Iranian President Masoud Pezesh-Kian na nasa ligtas at maayos na kalagayan ang bagong Supreme Leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei.
Ito ay kasunod ng mga ulat na nasugatan ang bagong lider sa binti sa gitna ng digmaan laban sa Israel at Estados Unidos.

Inihayag ni Iranian Minister of Sports and Youth na si Ahmad Donyamali na hindi makikilahok ang Iran sa 2026 FIFA World Cup dahil sa patuloy na digmaan sa rehiyon.

Nagbanta ang Iran na maaaring lalo pang tumaas ang presyo ng langis habang patuloy ang pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa kanilang bansa.
Ayon kay Ebrahim Zolfaqari, tagapagsalita ng Iran Military Command, posibleng lumobo ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado kung lalala pa ang sigalot sa rehiyon.

Inihayag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim na hindi pa itataas ng ahensya ang crisis alert level sa Middle East sa kabila ng patuloy na tensyon sa rehiyon.