
Ligtas na naitawid palabas ng Israel ang labing-anim na Filipino caregivers at hotel workers patungo sa Taba Border Crossing.
Kabilang ito sa mga Pilipino sa Israel na nais nang makauwi ng Pilipinas sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran.

Nakauwi na kagabi sa Pilipinas ang dalawampu’t limang overseas Filipino workers mula sa Israel na bahagi ng tuloy-tuloy na repatriation efforts na ginagawa ng pamahalaan.
Kasama rin nilang dumating kagabi ang isang dependent mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Muling binatikos ni Vice President Sara Duterte ang aniya'y kakulangan ng kahandaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa epekto ng nangyayaring gulo sa Gitnang Silangan.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng petrolyo sa bansa sa kabila ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Pangulo, may sapat na imbentaryo ng langis ang Pilipinas at may mga paparating pang suplay na kasalukuyang nasa transit.

Nagpapatupad ng mga hakbang ang mga ahensya ng pamahalaan upang makatipid sa konsumo ng langis.
Isa na dito ang paghikayat sa mga opisyal ng Department of Transportation na gumamit ng pampublikong transportasyon.