
Patuloy ang ipinatutupad na staggered o utay-utay na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo upang mabawasan ang mabigat na epekto nito sa mga motorista.
Ngayong Huwebes, March 12, may dagdag na 85 centavos hanggang P1.80 sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Muling nilinaw ng Department of Energy (DOE) na pinahihintulutan pa rin ang pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa mga fuel-grade drum at container.
Gayunman, dapat ay para lamang ito sa mga lehitimong paggamit at sumusunod sa itinakdang safety standards sa fuel dispensing.

Tinitingnan ng Department of Agriculture ang posibleng paggamit ng presidential assistance mula sa calamity fund bilang karagdagang tulong sa mga magsasaka at mangingisda sakaling humaba pa ang krisis sa Middle East.
Samantala, iniulat din ng ahensya na sa mga susunod na linggo ay sisimulan na ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka.

Naghahanda na ang iba’t ibang bansa sa posibleng mas malalang krisis sa enerhiya matapos magbabala ang Iran na maaaring umabot sa $200 kada bariles ang presyo ng langis.
Ayon sa Iran, posibleng mangyari ito dahil sa patuloy na tensyon at digmaan sa Middle East, kabilang ang banta nitong harangan ang paglabas ng langis sa mahalagang rutang Strait of Hormuz.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/