
Dumating ngayong umaga sa tanggapan ng National Bureau of Investigation ang 16 mula sa 18 ex-Marines kasama ang legal counsel nila na si Atty. Levi Baligod.
Nasa tanggapan na rin ng NBI ang mag-asawang Mike at Julie Defensor na ipinatawag din ng ahensya.

Sentro ng talakayan sa Senado kahapon ang panukalang pagtatapyas ng buwis sa mga produktong petrolyo.
Tinalakay sa naturang pagdinig ang magiging epekto nito hindi lamang sa ekonomiya ng bansa, kundi maging sa araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.

Inilahad ng Department of Social Welfare and Development ang proseso sa pamamahagi ng tulong-pinansiyal para sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon.
Partikular ito sa P5,000 ayuda bilang tugon sa mataas na presyo ng petrolyo.

Nakabinbin pa sa ngayon ang posibleng pagtaas sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Base sa impormasyong inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), sa Lunes ang target na madesisyunan ang hirit na taas-pasahe kasunod ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ikinokonsidera ngayon ng Department of Transportation ang pagbibigay ng tulong sa airline companies na apektado rin ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.
Samantala, magbibigay din ang mga toll operator ng diskwento sa mga Class 3 vehicles o ang mga truck at bus na may dalang essential goods.